top of page
classic-world-map_wm01192.jpg

WELCOME TO FACT ON TRACK

Home: Welcome
Home: Blog2
Search

The Philippine Flag Day

  • Writer: Ferrer MV
    Ferrer MV
  • May 28, 2019
  • 2 min read

Ngayong araw na ito, Mayo 28, ginugunita ang National Flag Day. Ang pagdiriwang na ito ay sang-ayon sa Batas Republika Blg. 8491, na mas kilala sa pamagat na "Flag and Heraldic Code of the Philippines". Ang batas na ito ay nilagdaan ni dating Pangulong Fidel Ramos noong ika-28 ng Hulyo, 1997.


Bilang pagdiriwang sa araw na ito, lahat ng establisyemento ay nagsasabit ng watawat ng Pilipinas. Maging ang mga lansangan ay may mga nakasabit na watawat ng ating bansa. Ang mga watawat ay nakasabit hanggang ika-12 ng Hunyo, Araw ng Kalayaan.


Ang ugat ng pagdiriwang na ito ay ang matagumpay na pakikipaglaban ng mga rebolusyonarong Pilipino, sa pamumuno ng noo'y Pangulong Emilio Aguinaldo (buhat mula sa Hong Kong), laban sa mga Kastila sa Alapan, Imus, Cavite noong ika-28 ng Mayo, 1898. Dito sa naipanalong laban ng mga Pilipino, nabawi nila ang buong lalawigan ng Cavite, at bilang tagumpay ay iwinagayway sa unang pagkakataon ang ating watawat (na ginawa pa sa Hong Kong nang noo'y magpunta doon si Aguinaldo).


Mula 1919 hanggang 1940, tuwing Oktubre ipinagdiriwang ang Flag Day. Nalipat ito sa petsang Hunyo 12 mula 1941 hanggang 1964. At sa bisa ng Proklamasyong Pampangulo Blg. 374 na nilagdaan ng noo'y Pangulong Diosdado Macapagal noong 1965, inilipat ang Flag Day sa petsang Mayo 28, kung kailan naganap ang matagumpay na laban at ang pagwagayway ng ating watawat.


Kasabay ng National Flag Day, ipinagdiriwang rin sa araw na ito ang Wagayway Festival, na ginaganap sa lungsod ng Imus, lalawigan ng Cavite. Ang lungsod na ito ay tinaguriang "Flag Capital of the Philippines".

Pictures below: (1) the Imus Heritage Park where the "1898 Battle of Alapan" happened"; (2) the Wagayway festival, and; (3) the City of Imus in the province of Cavite, well-known as the "Flag Capital of the Philippines".



 
 
 

Comments


©2019 by Fact on Track. Proudly created with Wix.com

bottom of page