top of page
classic-world-map_wm01192.jpg

WELCOME TO FACT ON TRACK

Home: Welcome
Home: Blog2
Search

August 1: The Death of the Two Philippine Presidents

  • Writer: Ferrer MV
    Ferrer MV
  • Aug 1, 2019
  • 2 min read

1 De Agosto. Ito ang petsa ngayong araw na ito. Ito rin araw na kung saan dalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas ang pumanaw.


AUGUST 1, 1944

Habang nasa "government-in-exile" ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas sa Estados Unidos kasabay ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, namatay ang noo'y nanunungkulan pang si Pangulong Manuel Quezon. Sa gulang na 65, pumanaw si Quezon sa Saranac Lake sa New York sanhi ng tuberculosis. Siya ay pinalitan ng noo'y Pangalawang Pangulo na si Sergio Osmeña. Pansamantala siyang inilibing sa Arlington National Cemetery, isang libingang pang-militar sa estado ng Virginia sa Estados Unidos. Noong ika-16 ng Hulyo, 1946, lulan ng USS Princeton, inuwi ang mga labi ni Pangulong Quezon at inilipat sa Manila North Cemetery. Sa ika-101 kaarawan ni Pangulong Quezon (August 19, 1979), inilipat ang kanyang mga labi sa kanyang dambana sa Quezon Memorial Circle sa lungsod ng Quezon.


AUGUST 1, 2009

Sa gulang na 76, namatay sa cardiorespiratory arrest bunga ng colon cancer si Pangulong Corazon Aquino sa Makati Medical Center. Limang araw siyang ibinurol sa Manila Cathedral at inilibing sa Manila Memorial Park sa lungsod ng Parañaque noong ika-5 ng Agosto, 2009, katabi ng libingan ng kanyang asawang si dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. Noong araw na iyon, idineklara ng Malacañang ang suspensyon ng pasok sa mga paaralan at mga tanggapan ng pamahalaan bilang pakikiisa sa paglibing sa tinaguriang "Ina ng Demokrasya".

Sa siyam na oras na prusisyon ng mga labi ni Pangulong (Corazon) Aquino patungo sa kanyang libingan, nakilala ang apat na sundalong nagbantay sa kanyang mga labi: sina PFC Antonio Cadiente (Philippine Army), Airman 2nd Class Gener Laguindam (Philippine Air Force), Navy Petty Officer 3 Edgardo Rodriguez (Philippine Navy), at PO1 Danilo Malab, Jr. (Philippine National Police).

Philippine Presidents Manuel Luis Molina Quezon (left) and Corazon Cojuangco Aquino (right). Both of them died on the same date (August 1) in a different year.

 
 
 

Comments


©2019 by Fact on Track. Proudly created with Wix.com

bottom of page