top of page
classic-world-map_wm01192.jpg

WELCOME TO FACT ON TRACK

Home: Welcome
Home: Blog2
Search

The Bible: In History and Numbers

  • Writer: Ferrer MV
    Ferrer MV
  • Sep 23, 2019
  • 3 min read


Ang Bibliya - isang banal na aklat ng mga Kristiyano na naglalaman ng mga salita ng Diyos. Inilalarawan sa banal na aklat ang mga katuruan, utos, kasaysayan, pangitain, at liham ng mga nagsulat. Hindi lang basta binabasa ang Bibliya, kundi pinagninilayan ito at isinasapamuhay.


"In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God."

- John 1:1 (NIV)


Jesus answered, “It is written: ‘Man shall not live on bread alone, but on every word that comes from the mouth of God.’”

- Matthew 4:4 (NIV)


Ang Bibliya ay binubuo ng 66 na aklat at nahahati naman sa sa dalawang Tipan - ang Lumang Tipan na binubuo ng 39 na aklat, at ang Bagong Tipan na meron namang 27 aklat. Ito ay isinulat ng nasa 40 may-akda sa loob ng 1,500 taon. Mayroon itong 1,189 na mga kabanata at 31,164 na mga talata.


Sa buong Bibliya, ang aklat ng mga Awit (Psalms) ang may pinakamaraming kabanata, na binubuo ng 150 kabanata. Dito rin matatagpuan ang pinakamahabang kabanata sa buong banal na aklat - ang Awit (Psalm) 119, na binubuo ng 176 na mga talata. Ang Psalm 117 naman ang may pinakakaunting kabanata, na meron namang 2 talata lamang. Ang Esther 8:9 naman ang may pinakamahabang talata at Juan (John) 11:35 naman ang may pinakamaiksing talata.


"The king's scribes were summoned at that time, in the third month, which is the month of Sivan, on the twenty-third day. And an edict was written, according to all that Mordecai commanded concerning the Jews, to the satraps and the governors and the officials of the provinces from India to Ethiopia, 127 provinces, to each province in its own script and to each people in its own language, and also to the Jews in their script and their language."

- Esther 8:9 (ESV)


"Jesus wept."

- John 11:35


May limang aklat sa Bibliya na isa lang ang kabanata: ang mga aklat nina Obadias (Obadiah), Filemon (Philemon), 2 at 3 Juan (2 & 3 John), at Judas (Jude). Sa limang ito, ang aklat ni Judas (Jude) ang pinakamahaba sa lahat ng aklat na may iisang kabanata lamang, na merong 25 talata at 461 salita; habang ang 3 Juan (3 John) naman ang pinakamaiksi, na may 13 talata at 219 na mga salita.


Pero ang pinakamahabang aklat sa buong Bibliya ay ang aklat ni Jeremias (Jeremiah), na merong 33,002 mga salita, na kahit ito ay binubuo lamang ng 52 kabanata (dahil kahit nasa 150 ang kabanata ng Mga Awit, meron lang itong 30,147 na mga salita).


Gutenberg Bible. First published Bible in 1450's printed in printing press, invented by Johannes Gutenberg.


Nailimbag noong 1450's ang kauna-unahang Bibliyang inimprenta gamit ang bagong printing press na inimbento ni Johannes Gutenberg. Isinalin sa wikang Latino ang banal na aklat. Noong 1611 naman inilimbag ang Bibilyang mababasa sa wikang Ingles - ang King James Version. Bibliya rin ang unang natutunang basahin ni Dr. Jose Rizal noong siya ay tatlong taong gulang pa lamang. Ang banal na aklat na natutunan niyang basahin ay nakasulat sa wikang Espanyol. Noong 1898, sa panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas, inilathala ang kauna-unahang salin ng aklat ni Lucas (Luke) sa wikang Filipino. Hinango naman sa Bibliyang nakasulat sa wikang Espanyol ang bersyon ng banal na aklat na inilimbag noong 1905 - "Ang Dating Biblia". Mula ika-20 hanggang ngayong ika-21 siglo, samu't saring salin na ng Bibliya ang inilimbag dito sa Pilipinas at sa ibang parte ng mundo; kabilang na ang kalalabas lang noong 2018 na "Pinoy Version" ng Bagong Tipan.


King James Version Bible. Published in 1611.

 
 
 

Comments


©2019 by Fact on Track. Proudly created with Wix.com

bottom of page