The Making of "Cinco De Mayo"
- Ferrer MV
- May 5, 2019
- 2 min read
Ang petsa ngayon ay ika-5 ng Mayo. Ginugunita ngayon sa bansang Mehiko at maging sa Estados Unidos ang "Cinco De Mayo". Ngunit ano nga ba ang kuwento sa likod ng pagdiriwang na ito?
Noong 1861, sinakop ng mga Pranses ang estado ang Veracruz at ang lungsod ng Mehiko na siyang kabisera ng bansang Mehiko. Napaatras nila ang pwersa ng pamahalaan sa pamumuno ng kanilang pangulo na si Benito Juarez patungo sa ibang lugar. Ngunit nang tinangka nilang lusubin ang estado ng Puebla noong May 5, 1862, saka sila nilupig ng pwersa ng hukbong Mehikano, dahilan para mapalayas nila ang presensya ng Pransya sa kanilang bansa.
Ngunit bumalik sa Mehiko ang mga Pranses at muli nilang nasakop ang buong bansa noong 1864. Itinalaga nila si Emperador Maximilian I bilang pinuno ng bansang Mehiko. Subalit muling napalayas ng hukbong Mehikano ang mga Pranses noong 1867 at muling nabawi ang lungsod ng Mehiko. Dinakip at binitay ng mga Mehikano si Emperador Maximilian I, kasama ang mga Mehikanong heneral na sina Miguel Miramon at Tomas Mejia Camacho sa Cerro de las Campanas sa estado ng Queretaro. Noong ika-5 ng Hunyo, 1867, bumalik ng lungsod ng Mehiko si Pangulong Juarez at muling itinatag ang bagong pamahalaan ng kanilang bansa.
Unang ipinagdiwang sa California sa Estados Unidos ang "Cinco De Mayo" noong 1863, ipagdiwang ng mga Mehikanong minero ang matagumpay na paglaban ng kanilang mga kababayan laban sa pamahahala ng Pransya sa kanilang bansa. Ito ang dahilan kung bakit mas ipinagdiriwang ito sa Estados Unidos kaysa sa mismong bansa kung saan naganap ang matagumpay ng laban ng mga Mehikano. Noong ika-5 ng Hunyo, 2005, nagpasa ng resolusyon ang Kongreso ng Estados Unidos na humihiling sa noo'y Pangulong George W. Bush na ipagdiwang ang araw na iyon na may mga ginaganap na seremonya at mga programa; kung kaya't kabi-kabilang mga dekorasyon, mga gawain sa bawat paaralan na nagtuturo ng kahalagahan ng pangyayaring ito sa kasaysayan, at mga pagtatanghal na nagpapakita ng kultura ng Mehiko ang makikita sa bawat lugar sa Estados Unidos sa tuwing sasapit ang araw na ito.
Noong ika-9 ng Mayo, 1862, apat na araw matapos ang matagumpay na digmaan, idineklarang pista opisyal ng Pangulong Benito Juarez ang tinaguriang "Araw ng Labanan sa Puebla" o "Araw ng Labanan sa Cinco De Mayo". Ngunit ngayon, hindi na ito idonedeklarang pista opisyal sa buong bansang Mehiko, maliban sa mga estado ng Puebla at Veracruz. Pero sa tuwing sasapit ang ika-5 ng Mayo, idinedeklarang walang pasok sa lahat ng paaralan sa buong bansa.
Sa taon ring 1862, isang kalye sa Mehiko ang ipinangalan ni Pangulong Juarez bilang pag-alala sa matagumpay ng laban nila laban sa mga Pranses - ang Avenida De Cinco De Mayo.
As seen in the picture below:
1. The "Battle of Puebla" in May 5, 1862.
2. Mexican President Benito Juarez.
3. Celebrating Cinco De Mayo in the United States.

Comments