Philippines at the FIBA Basketball World Cup
- Ferrer MV
- May 3, 2019
- 2 min read
Lalaban ang ating Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA Basketball World na gaganapin sa Tsina sa darating na August 31. Ito ang ikalawang-sunod na pagsali ng Pilipinas sa torneong ito matapos ang 2014, na ginanap naman sa Espanya (ika-anim na sali ng Pilipinas mula noong 1954).
Magbalik-tanaw tayo sa mga nakamit ng Pilipinas sa FIBA Basketball World Cup.
Unang sumali ang Pilipinas sa torneong ito noong 1954, na ginanap sa Rio De Janeiro sa bansang Brazil. Dito nakamit ng ating koponan ang bronze medal, pinakamataas sa torneong ito para sa Pilipinas.
Muling sumali ang Pilipinas sa pandaigdigang torneong ito noong 1959, na ginanap naman sa bansang Chile. Subalit nagtapos ang ating koponan sa ika-8 pwesto.
Sa 1974 FIBA Basketball World Cup na ginanap sa Puerto Rico, sumali ang Pilipinas makalipas ang 15 taon. Ito ay matapos talunin ang koponan ng Timog Korea sa finals game ng 1973 ABC Championship (ngayo'y FIBA Asia Cup). Subalit sa World Cup, nagtapos ang Pilipinas sa ika-13 pwesto, na may 2 panalo lamang at 6 na talo.
Noong 1978, sa kauna-unahang pagkakataon, idinaos sa Pilipinas ang FIBA Basketball World Cup. Ito ay ginanap sa Rizal Memorial Coliseum at sa Araneta Coliseum. Ngunit sa kasamaang-palad, walang nasungkit na panalo ang ating koponan, na nagtapos sa ika-8 pwesto.
Makalipas ang 36 na taon, muling nakabalik sa pandaigdigang torneo ang Pilipinas noong 2014. Ito ay matapos talunin ng ating Gilas Pilipinas ang koponan ng Timog Korea sa semifinals ng 2013 FIBA Asia Championship, na ginanap sa Mall of Asia Arena, dito sa Pilipinas. Ngunit silver medal ang nakamit ng ating koponan matapos mabigong talunin ang Iran sa finals.
Sa 2014 FIBA Basketball World Cup, natapos ang karera ng Gilas Pilipinas sa ika-21 pwesto, matapos matalo sa mga koponan ng bansang Croatia, Greece, Argentina, at Puerto Rico. Ngunit nakasungkit tayo ng panalo kontra sa Senegal.
Sa darating na 2019 FIBA Basketball World Cup ay makakalaban naman natin ang mga naglalakasang koponan ng Italya, Serbia, at Angola. At sa taong 2023, isa ang Pilipinas sa mga magho-host ng pandaigdigang torneong ito, kasama ang Hapon at Indonesia.
Narito ang buong roster ng koponan ng Pilipinas sa mga dumaang FIBA Basketball World Cup:
PHILIPPINES ROSTER - 1954 FIBA BASKETBALL WORLD CUP (BRAZIL)
3 Lauro Mumar (Captain)
4 Francisco Rabat
5 Napoleon Flores
6 Mariano Tolentino
7 Benjamin Francisco
8 Rafael Barretto
9 Ponciano Saldaña
10 Florentino Bautista
11 Ramon Manulat
12 Bayani Amador
13 Antonio Genato
14 Carlos Loyzaga
Head Coach: Herminio Silva
PHILIPPINES ROSTER - 1959 FIBA BASKETBALL WORLD CUP (CHILE)
3 Carlos Loyzaga
4 Ramon Manulat
5 Carlos Badion
6 Roberto Yburan
7 Alfonso Marquez
8 Kurt Bachmann
10 Constancio Ortiz
11 Geronimo Cruz
12 Eduardo Lim
13 Emilio Achacoso
14 Mariano Tolentino
15 Edgardo Ocampo
16 Loreto Carbonell
Head Coach: Virgilio "Baby" Dalupan
PHILIPPINES ROSTER - 1974 FIBA BASKETBALL WORLD CUP (PUERTO RICO)
4 Jimmy Mariano (Captain)
5 Ricardo Cleofas
6 Rogelio Melencio
7 Robert Jaworski
8 Francis Arnaiz
9 Abet Guidaben
10 Ramon Fernandez
11 Bogs Adornado
12 Yoyong Martirez
13 Manny Paner
14 Alberto Reynoso
15 David Regullano
Head Coach: Valentin Eduque
PHILIPPINES ROSTER - 1978 FIBA BASKETBALL WORLD CUP (PHILIPPINES)
4 Alex Cariño
5 Eduardo Merced
6 Federico Israel
8 Ramon Cruz
9 Federico Lauchengco
10 Cesar Teodoro
11 Bernardo Carpio
12 Nathaniel Castillo
13 Gregorio Gozum
14 Leopoldo Herrera
15 Cesar Yabut
Head Coach: Nicanor Jorge
PHILIPPINES ROSTER - 2014 FIBA BASKETBALL WORLD CUP (SPAIN)
4 Jimmy Alapag (Captain)
5 LA Tenorio
6 Jeff Chan
7 Jayson Castro William
8 Gary David
9 Ranidel De Ocampo
10 Gabe Norwood
11 Andray Blatche (Naturalized Player)
12 June Mar Fajardo
13 Paul Dalistan Lee
14 Japeth Aguilar
15 Marc Pingris
Head Coach: Vincent "Chot" Reyes

Comments