Labor Day in the Philippines: How it all started?
- Ferrer MV
- May 3, 2019
- 1 min read
Tuwing unang araw ng Mayo ipinagdiriwang ang Araw ng Paggawa (Labor Day) dito sa Pilipinas, na itinuturing rin na "pista opisyal". Ginugunita dito ang pagsisikap ng mga manggagawasa kani-kanilang mga trabaho. Ngunit sa tuwing ginugunita ang araw na ito, kabi-kabilang mga kilos-protesta ang idinadaos ng mga samahan ng mga manggagawa (unyon).
Pero paano nga ba ito nagsimula?
Ito ay nagsimula nang mag-protesta sa harap ng Palasyo ng Malacañang ang nasa 100,000 katao noong May 1, 1903. Pinamunuan ng Unión Obrera Democrática Filipina ang nasabing protesta, na humihiling ng pantay na karapatan sa mga manggagawa at pati na rin sa kasarinlan ng Pilipinas (dahil noong panahon na iyon ay sakop tayo ng Estados Unidos). Ang kauna-unahang beses na ipinagdiwang ang Araw ng Paggawa ay naganap eksaktong sampung taon ang lumipas (May 1, 1913), nang magdaos ng pagpupulong ang 36 na samahan ng mga manggagawa sa Maynila.
61 na taon pa ang lumpias (May 1, 1974), nilagadaan ng noo'y Pangulong Ferdinand Marcos ang "Labor Code of the Philippines", naglalaman ng mga patakaran ukol sa relasyon ng mga empleyado at manggagawa sa pribadong sektor.
Comments